Pero…


May mga bagay na mahirap aminin. Ang tunay na nararamdaman o ang tunay na nilalaman ng isip.. Mahirap nang ibaluktok ang mga bagay na nabali o nalihis na..Kahit pa anong gawin, hindi na ito magiging perpekto o tama.

Pero minsan, napapaupo ka na lang, mag-isip..

“iba na ‘to ah, tingin ko gusto ko na tlg siya..”

Pero kung sakaling ma realize mo, gaano ka nakakasigurong hindi pa huli ang lahat?

 

“bakit siya?”

Ni wala naman siya ng mga katangiang hinahanap ko.  Pero sa tuwing nakikita, nakakausap o nakakasama ko siya, tingin ko wala na’kong hahanapin pang iba.   Solb ng araw ko, ika nga. Tinanggap namin ang isa’t-isa sukdulang hamakin ng buong sangkatauhan. Pa’no kung kaylanganin niyang umalis, mapipigilan ko ba siya? Panahon na ba para umamin ako? Pa’no kung hindi na kami magkita, hanggang kelan ako makakapaghintay?

“hindi lang sa’yo umiikot ang mundo, at hindi titigil ito kahit mawala ka pa..”

Pero pa’no kung siya ang tanging iniikutan ng mundo ko, dapat ko ba siyang habulin at uminog kasabay niya? At ang pinakamagandang tanong, gusto din ba niya?


MusicPlaylistRingtones
Music Playlist at MixPod.com

25 thoughts on “Pero…

  1. huwow! nakarelate ako. hahaha.

    napanood ko yung 500 days of summer kahapon. medyo may connect dun sa post mo. i recommend na panoorin mo rin yun. astig yung movie🙂

    napakakumplikado talaga ng pag ibig!

    napadaan lang🙂

  2. Wag ka umasa. Bahala ka. Magsisi ka.

    Habulin mo. Sabihin mo. Magsaya ka.

    Malay mo alin man sa dalawa hindi pa rin kayo para sa isa’t isa.

    Subukan mo. Masaktan ka. Huwag mo lang hayaang ang mundo ay umikot sa kanya.

    Malay mo mahal ka rin pala niya.

    Magulo ang comment ko katulad ng pag-ibig. Gayunpaman, pagmamahal pa rin ito.🙂

    • i have a lot of things done in a day, work, church, extra activities and stuff..but at the end of the day, you’ll wonder for what/whom am i doing this?.. whats the purpose of gaining world’s greatest possessions yet ur not happy?

      haha..aga aga EMO ako!! pcnxa pcnxa!!😆

  3. isang rule ang natutunan ko sa larangan ng pag-ibig, huwag mong hayaang dumating ang araw na may “what if’s” ka at “regrets.” Sumugod ka, ke matalo o manalo, ang importante, you did your part, you did it.
    🙂

  4. bat di ko makita ang comment ko? anyway, uulitin ko nalang.

    isang bagay ang natutunan ko sa larangan ng pag-ibig, huwag mong hahayaang dumating ang araw na may mga “what if’s” ka at “regrets.” Sumugod ka, ke manalo o matalo, ang importante, you did your part, you did it.
    🙂

  5. haha. sa ka-EMOhan ng mga tao ngayon.:

    kaya dapat pagnilay-nilaynilayan mo na yan, bago pa mahuli ang lahat.

    baka naghihintay lang siya na sa’yo manggaling ang mga katagang gusto mo ring marinig galing sa kanya. parang naghihintayan kayo. ayos diba?

    —-> parang bigla akong nanibago, ako ngayon ang nag-aadvice. hmmp. sana naman kahit papano ay makatulong ako.

    basta go go go ka na. pero pag-isipan mo muna ng mabuti. ikaw na rin ang nagsabi na, wala siya ng mga katangiang hinahanap. pero masaya ka ‘pag kasama mo siya. tandaan mo na ang hinihingi natin sa TAAS ay kabaliktaran ng ibinibigay niya sa atin. pero kahit na ganun, opposite man kayo, kayo ang “Perfect Match”.

    medyo napahaba yata comment ko ha. mukhang ginanahan ako. hehe. sana lang wag kang maguluhan.

    • sows ng buhay ni akso? haha!! alm nio po tinataboy nio c ax!! wg gnon!!
      prends taung lahat d2!! ukie?!😉

      Ginoong J.Kulisap, ang galeng nio pong magsulat..kya dadaan po ako dun s bahay nio pg hnd bisi..pramis.(humahaba ang ilong ko..)hnd po kc ako masyadong matatas s ingles man o sa tagalog..hap-hap lng pareho..pa tutor po, pwede?!!😆

  6. Yelow! Sa totoo lang parang ganyan ang feeling ko nuon sa asawa kong si Kaye. Yun lang s’ya alam nya ang feelings ko for her. Pero kay tagal man na di naging kami, at twing makikita ko sya kakaibang lukso ng dibdib ko. Tumagal man ang paghihintay worth it sa huli dahil forever na syang sa kin. Kung sa tingin mong sya talaga ang nagiging silakbo ng damdamin mo, wag na mag-atubili. sayang ang panahon pag puro pero… ikanga ni J.Kul, ayain mo ng magsayaw upang malaman kung maganda ang inyong sayaw sa musika ng buhay…

    sana maging magandang regalo ‘yan para syo ngayong darating na Bagong Taon!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: