Nang dahil kay tunga..


nga, nakagawa ng tula.. Bow.

 

 

Pano ba gumawa ng wala?
Tutunganga ba? Lalakwatsa?
Ibig sabihin tamad ka lang?
O sawa ka lang sa ‘yong buhay?

 

Sawa nang mag-isip ng solusyon
Pagkat di rin nakakatulong
Baluktot na isip ng marupok
Na taong ang isipa’y takot.

 

Gumawa ng tama, di pansin
Gumawa ng mali, di tanggap
Subukan niong maging ako
Maging talunan ay kayo.

 

Parang dati simple ang buhay
Gutom? iyak. dudumi? iyak.
Palaging may kumakalinga
Lahat ay naaaligaga.

 

Pero bakit ngayon iba na
Kanya-kanya, buhay mo solo mo.
Di ba pwedeng ang gusto ko
Sa isang iyak makukuha ko?

 

Hindi ko nais maintindihan
Pagkat isip mo at ko ay iba
Subukang ilagay ang sarili
Sa taong hanap ay pagkandili.

 

 

Buhay naman ay dapat simple
Masaya ka? Ipakita mo
Galit ka ba? Iparamdam mo
Daling sabihin hirap gawin.

 

Sa pagtunganga ko naisip
Hindi ang buhay ang mahirap
Kundi pagsabay sa agos nito
Lalo kung palihis ang lakad mo.

 

Sino bang may alam ng lahat
Kundi ang Diyos na siyang lumikha
Dalangin kong malampasan ko pa
Pagkat di kakayaning mag-isa.

 

 


MusicPlaylist
Music Playlist at MixPod.com

20 thoughts on “Nang dahil kay tunga..

  1. Sows, wag kang umiyak… Pumalahaw ka na lang. Baka may maawa at makuha mo ang gusto mo.

    Seryoso, ang simple lang dati no… Habang tumatagal nagiging kumplikado. Pero ang totoo simpleng komplikado lang.

  2. Ganda ng iyong Tula. Kala ko ba wala muna ng Emo?…meron pa yata…hehe. Gusto ko ang parte na ito:

    Hindi ang buhay ang mahirap
    Kundi pagsabay sa agos nito
    Lalo kung palihis ang lakad mo.

    Ayun natumbok din sa bandang huli…totoong mahirap umusad lalo na sa mga pagsubok ng buhay kung wala si Lord sa puso.

  3. I know na alam mo nang simple minded ako. haha.

    Hindi kailangan nino man ang sumabay sa agos. Just do what you want as long it’s not bad and just be yourself, you’ll be fine.

  4. gawin mo langg ang gusto mo yung bagay na makapagpapasaya basta wala kang sinasaktan at tinatapakan… simple ang ang buhay, tayo lang ang nagpapakumplikado… just enjoy life!

  5. Sino bang may alam ng lahat
    Kundi ang Diyos na siyang lumikha
    Dalangin kong malampasan ko pa
    Pagkat di kakayaning mag-isa.

    …Love ko toh…

    totoo di natin kakayanin mag-isa ang mga pagsubok. kailangan natin ang gabay ni GOD. at palagi nating iisipin na di nia ibibigay ang mga pagsubok kung di natin ikabubuti.. (mukhang para din sa akin ang sinabi ko..awtz)

    • haha! told yah.. para yang “man in the mirror” ni MJ o “girl in the mirror” ni britney spears o “tulak ng bibig kabig ng dibdib” ni hindi ko matandaang artist..😆

  6. Di ba pwedeng ang gusto ko
    Sa isang iyak makukuha ko?

    di na tayo bata, na pwede nating iyakan lang ang isang bagay ay makukuha na natin. katulad ng pagpapabili natin ng laruan noon.
    Ganito talaga ang buhay, reality bites.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: