hibangiritera


Paghawak sa mikropono at mag-perform. Yan ang pinangarap ko nung bata ako. Kinukwento ni nanay sa’ken kung ga’no ako kadaldal dahil daw pinakain niya ako ng pips ng boyba. Napakahilig ko raw kumanta. Kahit anu daw mahawakan ko ginagawa kong “mic” na sasabayan ko pa ng sayaw. Eh hindi naman daw magets ung sinasabi ko. Kaya nung mag 9 or 10 years old ako, sinali ako sa children’s choir sa church namen. Riot. Yun ang tanging nasabi ni nanay. Dun na rin ako nabantad sa palo sa paa pag mali ang lakad ko sa processional.

Nasa choir ako hanggang greyd siks. Sabi ni nanay, “dalaga” na daw ako kaya alangan na sa children’s. Makulet ako. Sumige ako hanggang napansin kong ako na’ng ako na ang ate ng mga ka-group ko. May “humps” na rin ako samantalang sila mga back-to-back pa rin. Ako ang dakilang soloist habang yung ibang groups mga at list 3 ang myembro. Ang hirap ng shobis. So I quit.

Pero dahil para akong magkakasakit pag hindi nakakanta, kahit wala na sa choir, naging laman ako ng comedy bars videoke sa bagong gawang SM non. Tanda ko pa nga yung kakindatan naming nag-aasist sa world’s of fun kaya binibigyan kami ng mga prends ko ng libreng coins. Diyosa eh. HAHA! Hinde, prendli lang.

So ayun, nadala ko’ng kaadikan ko sa pag-iingay kantahan hanggang kaleyj. Mga 2 beses sa isang buwan kami mag-biritan, mag-ala boy band, inlababo sa kras, at kung anu-ano pa. Hindi ko na rin mabilang ang mga artistang nakita namin sa mga Henry Sy malls dahil sa paglalagi namin sa mga yun.  Nanghihingi pa nga ako ng lyrics ng songs na gusto ko sa isang classmate ko lalo pag inlab, may usong kanta, nakakaaliw, or kahit mga makabayang songs.  HAHA! Sa ngayon, nag o-audition ako sa junior’s choir. Though hindi magtama sa tayt sked ko, pipilitin kong pagsikapang maabot ang kahibangan ko. Hindi man maging sing sikat nila Kyla o Jennylyn M., kasing astig ng BSB, Linkin Park o Simple Plan, hindi man sing gagaling nila Sarah G. o Regine v., kakanta pa rin ako!  Sabihin mang panget ang boses ko kakanta pa rin ako! Hibang na kung hibang! Belat! HAHA!

***

Para sa 5 anniversary ng blog ni Kuya Bernard, ito ang entry ko.

P.S.
Pagpasensyahan niyo na ang boses ko. Kaya nga frustrated singer di ba?

32 thoughts on “hibangiritera

  1. wow! sows!!! pwede!! ang galing naman!!! ang galing galing nga chirbit… (kala mo ikaw nuh?)

    ang galing talaga ng chirbit.. at nakuha nila ang napakaganda mong tinig. (sabay bawe) hahaha!!!

    base ba ako?…

    wow naman.. parang ang sarap tuloi kumanta bigla?…

    Happy Bloghay Day kay Kuya Bernard!!!😀

  2. yun naman alam mo ako frustratted singer din ako… dati bata pa ko sabi ko sa nanay ko kakanthan ko siya nakakadalawang linya pa lang ako sabi niya ok na… hahaha… tapos alam mo ba kapag sinasabayan ko kumanta si sarah lagi syang nawawala, tapos na ko siya hindi pa ahihi… ayun… kapag nakakita din ako ng mikropono gusto ko kumanta ng kumanta sabi ni mama basta isara ko lang ang mga bintana… ewan ko bakit eh lagi naman ako nakakaperfect score…

  3. mas ok kung Sows talaga ang stayl at di gaya gaya puto maya.
    ipagpatuloy mo ang hilig mong yan at baka yan maging daan para marinig ko na tuluyan boses mo.

    pe es..bat sabe don ‘pagpasensyahan nyo na boses ko’
    asan ang audio?

  4. mahilig din akong kumanta,
    sabi nga nila si gary v. daw pangit ang boses kapag kumakanta pero kapag nadidinig ng mga taenga ng tao ay maganda.
    ako daw maganda boses ko pero kapag nadidinig daw nila pangit.
    i always asked pa nga kung pangit ba ang boses ko, ang sagot naman nila, palakasan lang daw ng loob, sina ogie daw malaks lang loob ako mahina loob…yayyyyyyyy

  5. kaya ba gusto mo maging dj e dahil mahilig ka kumanta? nice voice ah. wala ako nian e. nagsisiesta ata ako nung nagpaulan ang langit ng kagandahan ng boses. hahaha

  6. huwaw sows! may entry na din sya!!!

    kelangan one time, makapag videoke tayo.

    tournament to! tournament! lol!!!

    sana may sample!!!

    • meron nmn tlgang sample jan..mga chirbit files..
      teka iha hay layt ko pra kitang kita.

      babala:
      wg umasang maganda ang boses ko. mabibigo ka lng.😆

      • sige next time sa chirbit..

        amm..

        yang mga nagsasabing hindi maganda ang boses, yan talaga ang mga talented! yahoo!

      • ah tlg kya pla sobrang ganda ng boses ko.😉

        nga pla mag te tentsu lang ako kc kau ni mr nonsense ang nagbigay ng idea about sa chirbit. naging close ko na nga ung admin dun eh. HAHA. tentsu.

  7. Pingback: Mga Nagwagi sa Hibang 5th Blog Anniversary! « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  8. best of luck. isuot mo ang 2-piece mo, sabay kendeng at kindat (mas score kapag may waldrobe malfunction) at siguradong panalo ka na…

  9. Hahaha.. panalo na to. mala-boyband yung style nung unang kanta! apirr! thumbs up! tuwang-tuwa ako sa entry na to ah! thanks.

    oi sali ka din sa pakontest ko. Sunday pa naman deadline =)

    • at tlgng natuwa ka.hnd ko alm kung pasitib yan oh ano. hehe.
      sasali nga sana ako kso npaliit ng chance. comments based pa xa. aw. teka magmumuni-muni muna. try ko.

      dpat ikw din ang judge tpos papanalanunin moko. HAHA!
      tnx mon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: