Mix emotions


Nasira yung plano ko. Meron dapat akong ipopost eh pro tlagang apektado ako. Medyo naging busy ako this past few days at di napabayaan ng mga blogs ko. At oo, ginawa at ginagawa ko siyang obligasyong iupdate. Hehe.
Ang siste nung Saturday bale first shift ako tapos ba naman nasa Pasay Road nako. Nagulat kami biglang nag traffic na hindi usual kasi nga sobrang aga pa nun. Narinig ko yung isang gelay na sabi,

“Ay anu yun?!”

Siyempre hindi ako mahilig sa tsismis at walang dating saken kesehodang magwala ka jan, tumingin ako sa may bintana. May nakaharang na motor. Mga XRM ng Honda ang dating. Blue. naka pahalang yung position niya na sumasakop sa isang lane ng kalsada. Kinabahan ako. Malayo-layo pa may nakita akong nakahandusay. Medyo palapit ng palapit. Pusa, tingin ko. Bakit parang ang laki. Nasa right side ako ng bus nun. Paglingon ko may duguan. Sa tabi niya may kung anong laman. FUTA. Utak. Walang kamay. Walang paa. May buhok. Babae. Naka panty ng pink eh.
TARAGIS. Masuka-suka akong tumayo sa kinauupuan ko at tumabi sa (andon pa lang) ka ofismeyt ko.

“Anong meron?” sabi niya.

“Siraulo, may nasagasaan, hindi mo nakita?”

Hinde daw sabi niya. Kinuha ko si panyo. Nasusuka ako. Pagbaba namin kasunod yung dalawa ko pang ofismeyt at nakita rin nila. Shocks. Pare-pareho kaming nanginginig ang tuhod. So ayun. Kakaawa. Kakatroma.

Tanghalian na. Ang ulam?  Sisig. Alam niyo na ang sunod na eksena.

6 thoughts on “Mix emotions

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: