PAG-IBIG


Pangako ko ikaw lang ang mamahalin.  Bakit?  Basta.  Mahal kita eh.  Ni hindi ako titingin iba kahit na ang karakas mo ay ubod ng sama.  Ating mga pisikal mang anyo ay di nararapat sa pamantayan ng iba, bakit?  Sino sila upang humusga sa mga taong ang hangad lamang ay ang pagnasa ng isa’t-isa?  Sabihin man nilang hindi tayo bagay at milya-milyang beses pa ang ating pagkakaiba, ako’y babalik pa rin sa’yong piling upang ang pag-ibig ko’y ulit-ulitin.   

 

     

Maalaala mo kaya nang sinabi mong mahal mo ko?  Walang kapalit ang naramdaman dahil puso pala nati’y magkatulad.  Basta’t magkasama tayo tingin ko wala na’kong mahihiling pa.  Sabihin mang corny, baduy, o jologs, ngayon at kailanman ikaw lang ang gusto kong ibigin pa.
Selos?  Hindi mo ‘yan kailangan.  Wala kang aalalahanin sa puso kong marubdob at tapat kung magmahal, kailanman hindi matutuyo ang damdamin.  Alukin man ng yaman, o ng ibang pagmamahal?  Ayokong bibig ko’y maiusal ang “sayang na sayang” dahilan ang isang tulad mo’y pinakawalan.  Di bale na lang sa lahat ng bagay na materyal, ikaw pa rin ang aking mahal.
 

 

Kung mga isip nati’y magkakaisa, at sa buhay ko’y ikaw na ang makakasama, tayuan ka man tumayo ka man sa harap ko ng bagong gising, pangako hindi ko tatawanan ang nakatirik mong buhok, ang panis mong laway na nanuyo na sa ‘yong baba, ni hindi mandidiri sa mabaho mong hininga kahit pa ang pantulog mo’y “bacon” na sa pagkaluma.  Bakit?  Mahal kita eh.  Sabihin mang masagwa ang pagmamahala’y ipakita sa madla, kundi man sa puso kong ito, aanhin pa ang buhay ko kung hindi naman ikaw ang kasama?  Kahit maputi na ang buhok ko, ang pag-ibig kong ito’y di nakakikilala ng edad, estado, o ng pinagmulan.  Bastat mahal kita, wala ng iba pang dahilan.
Ni hindi masasayang ang ating sinumpaan sa harap man nila o ng Maykapal, pagkat habang may hininga, mamahalin pa rin kita.

Pakiusap lamang ay isa…

 

“..sa buhay ko sana’y dumating ka na…”

 

***

Entry para sa pakontes ni Kuya Jkulisap.

 

 

67 thoughts on “PAG-IBIG

  1. ang pagibig hindi kailangang hintayin, malalamang sa mainip ka lang, may mga pagkakataon na dadating ito at wala ka ng magagawa para umayaw pa. maganda at malikhaing lahok.

    hindi ko alam kung magkamuka ba ang sanaysay sa kwento.

    • uy, salamat sa bisita.😉 lam mo kc s bansa naten nasanay tau na ang mga babae ang nghihintay kaya ganon. hamo papakapon ako. Chinese. para pwede manligaw twing bagong taon nila.😆

  2. Pakiusap..sa buhay ko’y dumating ka na.
    Sino ang matapang na tatayuan ng balahibo diyan.

    Panawagan sa lahat ito.

    Maging matapang at huwag ng magpakipot pa kapag dumating na ang tinatayuan.

    Salamat Sowsie.

  3. Pingback: Sige Ihataw | Kayumangging Damdamin

  4. hhmm, ang sarap talagang ma fall no sows? lalo na kapag mahal ka ng taong mahal mo, saka yung tipong hindi ka nya kayang saktan, hindi physical, peru emotional, hays.. ako din, kelan kaya ako magmamahal muli???

    wag kang mag react sa comment ko!! ahahahaha

  5. tae lang, sa ibang blog mo pala ako nakapagcomment. ang sipag mo naman, dala-dalawa pa ang minimentena mong blog. haha!

    ngayon ko lang talaga napatunayang pagdating sa pukenginang pag-ibig, ang kokorni nating lahat. haha! :p

  6. “.. at dahil mahal kita sayo lamang liligaya. kahit katumbas nito’y kasawiat dahil mahal kita sayo lamang liligaya. at di na muling iibig pa..”

    naalala ko tong kantangto pagkabasa hehe. nice.

  7. habang binabasa ko to, may music na tumutogtog sa utak ko… grow old with you..haha

    pero lahat naman yata pareho ng hiling na sana dumating ang kakambal ng pintig ng damdamin..naks!..haha

  8. wala pa ba?pero nakikita mo na sya at nadarama.sa ngayon,vision lang muna.huwag kang magugulat kung anyo niya’y iba.yun pa rin ay pag-ibig.

    kahit pa nga iba sa inaasam mo’t iniisip.

    ipaglaban mo kung karapat dapat.pangatwiranan mo kung kinakailangan.tumindig kang kasama niya kung hinihingi ng pagkakataon.

    pero habang wala pa s’ya,isipin mo na lamang na di ka rin nag iisa.

  9. NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

    NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

    (GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA) padaan sows!

  10. sa kwento mo, tinayuan ako…

    …ng balahibo lol

    – – – – – – – –

    ang pag-ibig darating yan. akala ko noong bata ako wala magkakagusto sa kin pero nung lumaki na ako (late bloomer) mali pala iniisip ko. matinik pala ako. joke lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: