Ano sa tingin mo?


Ito na naman po at umaarte na naman ako.  Bisi pero cge lang. Ang daming kontes at participants.  Gudlak to me. haha.

 

**

 

PUNO

Akong dating matayog pa

Sa gusaling iyong tinitingala

Batang musmos may ligaya

Kapag sa’kin siya ay sumasampa na.

 

Di ko malilimot mga araw na

Sa’king lilim ika’y nandon

Nang mapawi pagod sa paglalaro

Ikalma ang iyong puso.

 

Akay ka ng iyong ama

Sa aking tabi kumakanlong ka pa

Kumakanta, tumatawa

Paborito kong nais marinig pa

 

Marami na ngang nagbago,

Mula sa payak buhay nga’y gumarbo

Dapat bang limutin ko na

Ako’y minsang iyong nakasama?

 

At kayo nga ay umunlad

Pinutol kauri ko at katulad

Gusali’y mas marami na

Sa aming uring minsang naghahari

 

Ngayon kami’y sinisisi

Sa pagkasira ng ‘yong naipundar

Kung mamarapatin lamang

Sarili’y tingnan, alamin ang dahilan

***

 

TUBIG

Matamis ang aking pakiwari

Sa uhaw ay laging pumapawi

Ako’y nasa pangalawang baso

Wag magsawang pawiin uhaw ko.

 

Tubig ay buhay minsang nasambit

Mga manlalakbay ito’ng bitbit

Hanggang saan nga ba patutungo

Kung sa akin nga ay wala nito?

 

Kung mga kamay ay mabahiran

Ng putik o ng dumi man lamang

Wag mag-alala tubig ay nar’yan

Gagawing malinis anuman yan.

 

Minsan ay naging mapaminsala

Buhay, ari-ariang naiwan

Saksi’ng iniwan ng kalamidad

Taong luha’t hinagpis ang tangan.

 

Likas ang angkin mong pakinabang

Sa tao o sa mga hayop man

Wag namang makalimot sa lahat

Ng biyayang galing sa TAAS.

***

 

TAO

Una kang nilikha ng tanging Dakila

Ikaw na s’yang pinagpala

Pinakamataas ang iyong isipan

Wala ngang magdududa pa dyan.

 

Takdang manguna sa lahat ng nilalang

Lahat kaya pang lampasan

Maging ito man ay hirap, pagod o gutom

Ako’y di na nga matatakot

 

Pagkagumon sa sariling karunungan

Natuto ka nang magyabang

Sirain kalikasan tupdin ang nais

Kapalit buhay ma’y ibuwis.

 

Sinisisi yaong walang alam

Ba’t di mo ngayon subukan

Sarili mo naman ay iyo pang tingnan

Kung nagkamali nga ba’y, saan?

***

 

 

Para sa pakontes ni kuya bernard

 

 


33 thoughts on “Ano sa tingin mo?

  1. ang liit ng mga titik, naduling ako. hahay! parang lahat na lang ata ng ka-wavelength eh nagmamadaling umabot sa deadline ng sba. howel, guilty din ako! lol! all the best sating lahat, sows! \m/

    • nag eedit pa kasi ako boss.. ang bilis mo ah.
      prepaid kc tong internet hnd pa nadating c pareng magkakabet. haha.

      teka basahin ko ung sau lio. ingats!

  2. Ang tubig hindi katulad ng puno na pwedeng itanim kapag nagkulang, kaya ang kailangang gawin sa tubig, panatilihing malinis, nagagamit sa tama at sapat na paggamit lamang para nang sa ganun, may maiinom pa tayong mga tao.

    Mahalaga ang puno sa buhay natin, masarap na klima sa ating pakiramdam, maginhawang paghinga at ang mga pagkaing idinudulot nito.

    Kongrats. Simple lamang ang tula, hindi na kailangan pang paduguin ang ilong ko para maunawaan ko ang kahalagahan ng iyong adbokasiya.
    🙂

  3. gusto ko yung puno… t’was as if, kinakausap talaga ako nung puno.. nararamdaman ko yung pain niya…

    yung inis niya.. hehehe, parang forgotten friendship yung tema ng pagsasalaysay niya…

  4. ang galing mo pa lang gumawa ng tula mam sows eh,

    tama ang sinabi ng puno kailangang tingnan muna natin ang ating sarili bago ibaling sa iba ang sisi

    galing, clap, clap, clap
    di ako nakahabol sa tula,
    mahilig kasi tayong mag rush hihihhi

  5. puno,tubig,tao.

    kailangan ng puno ng tubig.
    ang tubig ay tubig may puno man at tao o wala.
    walang tao kung walang tubig at puno.

    at magandang lahok ito para sa kategorya ng tula.

    magandang araw sows!

  6. Pingback: Ako naman ang magsusulat… « HIBANG {tagni-tagning ideya}

  7. ang galing naman — gawain ko din yang pagsusulat ng tula dati pag bored ako sa skul.
    Ano sa tinging ko? Hmm sa tingin ko may future kang maging writer. Keep on writing!

    • future? nako naman. malaki ng future ko. pero ung sa pagiging writer, hayaan n naten sa iba yan.

      maraming salamat sa pagbisita, wag kang mato trauma!😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: