Wish Upon a Mega


DISCLAIMER:

THIS POST HAS NOTHING TO DO WITH THE NOW-DEFUNCT TV SHOW BY MS. SHARON CUNETA, PLS. BEAR WITH THE AUTHOR.

(Ang posteng ito ay walang kinalaman sa natapos ng palabas de telebisyon ni Bb. Sharon y Cuneta. Maaaring OSO ang nagsulat..😛 )

.

Wala lang.  Naalala ko lang ang mala-Oprah na portion ni Tita Shawie Sharon Cuneta kung saan binibigyang katuparan ng mga mayayamang ito ang mga hiling o simpleng hiling naming mga maralitang tagalungsod.

So, that’s way back, back…  Ayoko.  Ayokong mag google para isearch kung kelan sila na defunct.  Basta masaya.  November na eh.  Ibig sabihin ilang araw na lang din December na.  At four days after christmas, bumeberdey ko na.  Hindi ako nagpaparinig.  At tama, lately ko lang napansin, November na pala talaga, kung kelang patapos na.  Usually kasi sa mga ganitong panahon, nagagamit ko na’ng mga dyaket, balabal, or raincoat (talaga) ko.  But this days, napakainit.  Hindi ko alam kung nasanay lang ako sa aircon pero kada lalabas ako ng opis, tagaktak ang pawis ko.  Baka kailangan ko lang talagang magpapayat.  Haha.  Minsan naman sa pantry, kakaen na lang kami ang mga damuho kong opismeyt lalong-lalo na si Chabe eh mga hindi makausap kaka facebook sa selfon.  O.P. much.  Mga updated sila sa latest chismis.  Hindi naman sa gusto kong makialam sa buhay-buhay sa fb.  Jologs na lang talaga ang selepono ko na kahit ganto eh proud akong sabihin na ako bumili neto.  *bitter laugh*😛

Pag weekends naman, naiisip kong mag internet pero minsan walang pang-load.  Taena.  Pag nagtitipid kami sa kuryente, naiisip kong ipursue ang aking piano and guitar lessons na kinatamaran ko na rin.  Pag naglalaro naman kami ng mga pamangkin ko, naiisip ko na masaya siguro kung bukod sa pagyakap nila saken eh may playhouse din sila.  And lastly, dahil sa dyabet (diabetes) ni mudra ay kailangan niyang mag lose weight.  Nagsalita ako.  Sige, ako na.  Ako na’ng payat. TSE.

At dahil sa mga naisip kong kalokohang ‘to, meron na akong Christmas at Birthday wishlist rolled in to one several things:
1. Threadmill para sa’ming dalawa na ni mudra.  Pero ang susunod na hiling ko after matupad ito, ay mas malaking bahay.

2. Seleponong touch screen.  Sosyal siyang tingnan. Mga Nokia 5800 ExpressMusic, Corby w/ wifi, LG Cookie or Samsung S5230W Star WiFi ang datingan ng trip ko.

3. Laptop.  Kahit Acer lang pero panalo ang specs ng Apple MacBook Air MC503LL/A 13.3-Inch Laptop.  Hihi.

4. Meron na kong piano, so, guitar na white na lang, inggitera kasi ako eh.  Haha.  Isa kasi ang puti sa peborit kong kulay.  Bagay na bagay sa wholesome image ko.

5. Isang playhouse para sa aking huggable pamangkins.

6. Dotkom.  I mean, website.  Ano bang isusulat ko?  Hindi ko rin alam.  Saka ko na iisipin yan.  Basta ang alam ko, may pera talaga sa pagba blog. Natupad na.  Saka  ko na ipopromote pag may disente nakong ipopost. Hihi.

7.  Lastly, pera para pantupad ng lahat ng nasa taas.

(The rest of my wish eh nasa amazon page ko.  Bahala kayo jan.)
Napapanahon ang pakulong ito ni Salbehe at Vajarl, maraming salamat, kahit ang daming entries.  Pamigay niyo na lang kasi. TSE.

Happy holidays, guys!🙂

26 thoughts on “Wish Upon a Mega

    • 1. gusto ko rin ng datkom. magkano ba?

      2. gusto ko rin ng treadmill pero sa gym na lang muna para meron ding ibang machine.

      3. huwag kang mag 5800 or kahit anung ‘cheap’ na touchscreen. Sensitive kasi sila. Kailangan super ingat. Yung sa akin TOPAK e. Kung magta-touchscreen ka, go for dun sa mahal na. IPhone or X10 or Android phones.😀

      4. Playhouse? Yung Little Tikes astig… sa presyo. Hahaha.

      • 1. libre
        2. haha. tara.
        3. balak ko x3-02 nalang. pabababain ko ang price hanggang 500!😛
        4. i thank you, na lang!😛

    • yep. aktwali this is a scheduled post. saktong bigay ni mang ronel. hihi. mjo hiya pa akong ipromote. wla pa kc time makapagsulat.

      kanino pb cla magmamana?😛

  1. Ang sweet mo naman sa mga pamangkin mo! kasi ako honestly kung may wishlists,hindi ko maiisip mga pamangkin ko! :))))

    tsaka infairness, nakalagay na ung mga details ko sa required fields mo to leave a reply kaya hindi na ako nagmakahirap pa! panalo un! :))

  2. hay, sana po magkaroon kami ng pangkabuhayan showcase para sa pamilya ko..kasi yan po talaga ang wish ng mama ko..hope na matupad tong wish ko….. thank you poh!

  3. hello!
    good evening po ate sharon idol… ako po ay may isang pangarap kahit ako po ay may sakit na kidney failure sana po ako ay iyong tulongan…. ang wish ko po na sana makahanap po ako ng tao na mag spunsor sa pag daiysis ko kada lingo kasi two times po ako nag papa dailysis at ang hirap po ng pera ako any single mother na my isang anak … kasi malaki po ang gsatos sa pag dailysis 1350 kada session eh two times ako kaya gumgastos ako ng 2700 kada linggo…. gusto ko pa pong mabuhay ng matagal para sa ank ko yun po ang wish ko……..

    God Bless po!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    • hi ate. blog po ito ng walang kwentang taga ofis na nagtatago sa pangalang sows. hindi po kay sharon idol niyo.
      hahanapin ko po ang page ni miss mega pag may time ha.

      ingat po!

  4. Ako rin ……….
    Pero ang gusto ko naman ay kahit na anong klase ng computer basta may Camera at Internet connection kase alam kong kailangan ko yun ngayong mag c’college na ako

  5. Dear Ma’am Sharon,=)

    sumulat po ako sainyo ma’am,para mag wish po,at para humingi rin po tulong sainyo,at alang-alang lang po sa pmilya ko..ang wish ko po ma’am,ay:

    *gusto ko po sanang maging artista s abs-cbn.
    *gusto ko rin po na kahit maging “back up dancer” lng po ako sainyo,kpag my program po kau s show nyo..

    sana po mtupad po ang Wish ko sainyo ma’am,khit anu po ma’am gagawin ko alang-alang po sa pmilya ko po…

    Godbless you ma’am always and your family…
    more powers po sa show nyo…lagi po akong nanonood ng programa nyo…
    iloveyou po ma’am sharon..May God bless always your program s Mega Sharon..
    susuportahan ko po kau plgi…=)
    Thank you po..sana po nabasa nyo po itong liham ko po sainyo…

  6. hi ma’am Sharon. =)

    ito po ay krugtong ng aking liham po para po s Wish ko po…
    sana po mtulungan nyo po ang aking ama,n mgkaroon po ng trabaho po,at mama ko po n mgkaroon po ng khit negosyo po,pra po sa aming pmilya..kc po namamasukan lng po sya bilang katulong s knyang kaibigan…

    sana po mbasa nyo po itong liham ko.at ito rin po ang wish ko po…

    thank you ma’am..Godbless you po.. =)

  7. Dear Miss Sharon,
    Hello! i am Mrs. carreon from gen trias cavite, Good am po miss sharon. Hindi ko na po elalaborate how much i like you, Senator Kiko and most of all, KC co’z everybody does. At hindi din po ako makapaniwala na magmemail ako sa inyo regarding sa wish ng unika jiha ko. Siguro eto yung kasabihang “gagawin mo ang lahat para maging MASAYA ang anak mo”. Nahihiya po ako humarap sa camera pag na grant yung wish ko para sa anak ko. Alam ko iinterviewhin ako di po ba? kaya naghehesitate ako magwish sa inyo.
    May anak po ako at mag 3rd year collage na sya this year.
    Magdedebut na po kasi anak ko at alam ko na may mga wish sya for that day na HINDI naming kayang ibigay sa kanya dahil wala naman kaming permanent job ng asawa ko. Understanding naman anak ko dahil alam nya na wala kaming pangastos kaya ok lang na wala siyang party. Though i know deep in her heart na gusto nya maghanda. Gusto ko po sanang iwish sa iyo ang 2 wish nya sa birthday nya kung maari. Napanood po kasi kita 2 weeks ago at sinabing nyong pwede kaming mag-mail ng wish namin sa iyo. SANA mabasa nyo ito at maging fairy god mother kayo sa anak ko. Ang isa sa mga wish nya ay sana ang mapublish nya ang novel nya na ginawa nya pa ng high school pa sya. Gusto nya kasi makita sa national book store yung novel nya. Wala naman kaming conection at money para makapag-umpisa.
    Like you Miss Sharon, mahilig din sya magbasa ng books at may konti din po sya collection. Nakita din po namin sa tv kung gano kadami collection nyo ng books. At na pa WOW po anak ko.
    Ang 2nd wish po nya for her 18th birthday ay road trip.
    Gusto nya mapuntahan ang subic, vigan, baguio, at sagada with her 3 girlfriends. I know kung gano kamahal ang road trip na yon kaya kung hindi po pwede kahit yung 1st wish nalang nya.
    Miss Sharon, ngayon palang po magpapasalamat na ko sa inyo dahil i know matutulungan nyo ang anak ko na magrant yung wish nya.
    MARAMING-MARAMING SALAMAT PO.

    PS. Just in case po na ma grant itong wish ko sa inyo, Pwede po bang anak ko nalang yung mainterview nyo?

  8. Hello po,
    Pwede nyo po ba ako tulungan kasi po ate ko po gusto po nya makapunta sa Concert ni Justin Bieber ngayong May 10, 2011 eh gusto po nya backstage passes at VIP tickets sana tulungan nyo po sya kasi po wala po kaming pera for 2 persons po yung backstage passes at yung vip po, Thanks po at isa pa po kung pwede kasi po gusto po ng nanay ko na mag check-in po kami sa edsa shangri-la hotel sa May 8 to May 12, 2011 1 room lang po at yung tita ko po mahilig po kasi siya magpicture picture ehhh nung nakita po nya yung SLR nung kaklase ko po gusto nya na po yung ganoong camera na canon. At yung sa tito ko po wala na po kasi siyang cellphone ehhh gusto po nya ng bagong cellphone ehhh wala po kaming perang pambili ehhh gusto po nya ng iphone 4? ehhh wala kaming pera para dun.

    Thank you Po, God Bless po

    • PAUNAWA, sana po sa lahat ng fan ni Ms. Sharon Cuneta, paki basa po ang buong article post at isipin muna ang mga comment bago i-hit ang salitang REPLY, thank u

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s