Isang pamamaalam at bagong simula.


Hindi ko na mabilang kung ilang buwan o taon na ang blog kong ito. May mga oras na gusto ko ng sumuko sa buhay, magwala, umiyak, pero heto ang blog ko. Naging kanlungan ng mga bagay na hindi ko masabi sa mga kaibigan, kapamilya, o kapuso. Ang tanging nahihingahan ko ng sama ng loob, ang nakakausap ko sa ligaya, at kakampi ko sa lahat ng mga tao o sitwasyong nagpapabagsak o nakapanghihina sa mura kong katawan. At kung magbabak read ka, ang mga nauna kong ingles na naipost ay hango sa aking buhay. Huwel, hindi lahat. Ikaw ng mag judge. Leche.

Pasensya na, hindi ko tlga kayang magseryoso. Hindi ito EMO post. Isa itong pamamaalam sa dating himlayan ng aking BUOng pagkatao. Maraming salamat sa lahat. At sa aking mga ka-blog, may isang pagmamakaawa akong hihilingin. Eksaktong 20days na lang kasi bumebertdey ko na. At ang mabait na si kaibigang RM ay nagbigay ng isa sa aking mga wishlist. Datkom. Dadami na naman ang mga basurang babasahin sa intarnets. Ang saya no? Tae mo. Heniwey, mabalik tayo sa wish ko, un na nga, bumeberdey ko na sa Dec. 29 (ayoko talaga tong ipagkalat eh) at gusto ko sana humingi ng tribute greetings, photo or letter, header para sa aking bagong blog, or avatar. Paki send po sa aking email, spagetisowsATyahoo.com or spagetisowsATgmail.com

Mababait kayo at lahat ng mga wishes niyo ipapagpray ko rin kay Jetut. How’s that?

Salamat in advance! Happy holidays! Mwahugs!

Maraming salamat!

41 thoughts on “Isang pamamaalam at bagong simula.

  1. ayun o. dumadatkom na pala. balitaan mo na lang kami kung saang datkom ka lilipat ng e-bahay. at hindi ko maipapangako pero susubukan kong gumawa ng kung anu-anong shit na hinihingi mo. \m/

    p.s.

    ikaw ba ‘yan o pamangkin mo? o anak mo kaya? loljoke! hangkyut! gusto kong lapirutin ang pisngi.😄

    • sana nga anak ko eh! hnde, pamangkin ko yan, wag mo nmng lapirutin, bata pa yan. ah, pisngi ba? hmmkei, bye.

      huLOLs.😛
      tingin ka sa upper right hand corner para sa link.🙂

  2. oi paramdam ka na kung dotcom ka na a? basta kahit may i say HI ka lang sa hoshilandia ko, gogogo na!

    anyway, advance happy birthday sa ‘yo. ka-bday ka pala ng pamangkin ko. hehehe

    mabuhay and Merry Christmas na rin

      • Naguluhan ako dun sa “adoseofeverything”…. kahapon ang post lang dun ay yung “this is a blog post”. Pero pag-bisita ko ngayon meron namang post mula pa November. Oh, maling link napuntahan ko. LOL :p

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: