walang hanggan

 

ang OT.

hihi.

 

 

 

Darating ang oras na magkakaron din.

Pero masaya naman ang busy, hindi ko naiisip ang mga dapat isipin. Haha.

At napadaan ako sa PowerBooks at natuwa dito:

 

 

 

Image005

 

Iba talaga si Sir Manix Abrera.

Advertisements

Ano sa tingin mo?

Ito na naman po at umaarte na naman ako.  Bisi pero cge lang. Ang daming kontes at participants.  Gudlak to me. haha.

 

**

 

PUNO

Akong dating matayog pa

Sa gusaling iyong tinitingala

Batang musmos may ligaya

Kapag sa’kin siya ay sumasampa na.

 

Di ko malilimot mga araw na

Sa’king lilim ika’y nandon

Nang mapawi pagod sa paglalaro

Ikalma ang iyong puso.

 

Akay ka ng iyong ama

Sa aking tabi kumakanlong ka pa

Kumakanta, tumatawa

Paborito kong nais marinig pa

 

Marami na ngang nagbago,

Mula sa payak buhay nga’y gumarbo

Dapat bang limutin ko na

Ako’y minsang iyong nakasama?

 

At kayo nga ay umunlad

Pinutol kauri ko at katulad

Gusali’y mas marami na

Sa aming uring minsang naghahari

 

Ngayon kami’y sinisisi

Sa pagkasira ng ‘yong naipundar

Kung mamarapatin lamang

Sarili’y tingnan, alamin ang dahilan

***

 

TUBIG

Matamis ang aking pakiwari

Sa uhaw ay laging pumapawi

Ako’y nasa pangalawang baso

Wag magsawang pawiin uhaw ko.

 

Tubig ay buhay minsang nasambit

Mga manlalakbay ito’ng bitbit

Hanggang saan nga ba patutungo

Kung sa akin nga ay wala nito?

 

Kung mga kamay ay mabahiran

Ng putik o ng dumi man lamang

Wag mag-alala tubig ay nar’yan

Gagawing malinis anuman yan.

 

Minsan ay naging mapaminsala

Buhay, ari-ariang naiwan

Saksi’ng iniwan ng kalamidad

Taong luha’t hinagpis ang tangan.

 

Likas ang angkin mong pakinabang

Sa tao o sa mga hayop man

Wag namang makalimot sa lahat

Ng biyayang galing sa TAAS.

***

 

TAO

Una kang nilikha ng tanging Dakila

Ikaw na s’yang pinagpala

Pinakamataas ang iyong isipan

Wala ngang magdududa pa dyan.

 

Takdang manguna sa lahat ng nilalang

Lahat kaya pang lampasan

Maging ito man ay hirap, pagod o gutom

Ako’y di na nga matatakot

 

Pagkagumon sa sariling karunungan

Natuto ka nang magyabang

Sirain kalikasan tupdin ang nais

Kapalit buhay ma’y ibuwis.

 

Sinisisi yaong walang alam

Ba’t di mo ngayon subukan

Sarili mo naman ay iyo pang tingnan

Kung nagkamali nga ba’y, saan?

***

 

 

Para sa pakontes ni kuya bernard

 

 


Status Update: It’s Complicated

According to the free dictionary, singlehood is the state of being unmarried. Hell yeah. How about having someone bound by words such as love lust  and caring, deciding to put dependence on each others’ arms? Can I consider each person “single” in terms of marital status? In other words, how about us? Are we a so-called “couple”? We’ve got this Meralco thing “spark of the moment” and pooof, it became CocoKrunch!  I bear a child. Then why are you still caressing her? Just because we’ve been into distant, you give-in to this itch? And this bump I carry on my womb says “you’re not my daddy!”, would this be a proof of infidelity or the fact that we’re not bound by any religious belief but our id to be together?

And who am I losing my fair share of affair? We’re in a total wreck. Hardly a chance of us being happy but plunging into fights and quarrel, chastises of past faults, and a tirade of discontentment. Quitting became an option. My bruises shouts for joy. But everytime that I try to, I’m just keeping myself closer to you, longing for you. Just tell me you love me, that you can’t stand a day without me, then I’ll be willing to suffer the rest bruiseless skin I had. Who can judge my idiocy then?

Download this mp3 from Beemp3.com

Kuwentong Pambata (via what a heck)

nagpo promote, nagpopromote po!! Ito po ay akda ng isang kaibigan, isa sa mga kalahok sa Saranggola Blog Awards ni kuya Bernard ng http://www.saranggolablogsawards.com,

Kuwentong Pambata ERMIS: Ang Matigas na Ulong Ipis                "Itay nakapasok na po ba kayo sa loob ng malaking bahay dun sa tapat?" Tanong ni Ermes ipis sa amang ipis isang umaga. "Bakit? Naku! huwag na huwag mong tatangkaing pumasok sa loob ng bahay na iyon kung ayaw mong mapahamak ha!" babala ng ama ni Hermis ipis sa kanya. "Bakit po?" May pagtatakang tanong nito sa kanyang ama gayung ito ang pinapangarap niya. "Delikado kasi anak ang buhay mo dun. Di basta … Read More

via what a heck

You can never can tell

It’s been a tiring week and I decided to take a deep breath of my busy schedule. Tapings, recordings, autograph signing, tweeting, facebooking and the worst? Intrigues slapping through my face here and there. In short, I’m at the office 12 hours a day, 6 times a week.  Whoa.  And now  Am I wrong to receive a recognition I’ve longed for three years?  My moment to “shine” just got in here and not just because you are a rooted senior (inugatang senyora..HAHA!) that we don’t have the right to make a turn in where you were.   It’s like our department’s name should be everedifor a lot of biterya‘s are around. Chillax dude, have faith! 🙂  Just like this one, you can never can tell when your time will be.

First love never dies

About a year ago when I decided to blog anonymously.  As spaghetti being my favorite, I chose “sows” as my pseudonym.  But being a homebody person, I can’t blog about different food around the metro.  Then I decided to blog about my second love – music.  From mellow to pop, rnb to jazz.  Everything, as long as it suits my lifestyle and has impact on my being.

When it comes to my first love?  I could only rely on what’s on the internet.  Thank God I found out about this site where I’m pretty educated about the latest hangouts, dining, and some sort to fulfill and prove my love for food.  Bon apetit! 😛

As for different gadgets and latest celphone trends, I trust only the best!

PAG-IBIG

Pangako ko ikaw lang ang mamahalin.  Bakit?  Basta.  Mahal kita eh.  Ni hindi ako titingin iba kahit na ang karakas mo ay ubod ng sama.  Ating mga pisikal mang anyo ay di nararapat sa pamantayan ng iba, bakit?  Sino sila upang humusga sa mga taong ang hangad lamang ay ang pagnasa ng isa’t-isa?  Sabihin man nilang hindi tayo bagay at milya-milyang beses pa ang ating pagkakaiba, ako’y babalik pa rin sa’yong piling upang ang pag-ibig ko’y ulit-ulitin.   

 

     

Maalaala mo kaya nang sinabi mong mahal mo ko?  Walang kapalit ang naramdaman dahil puso pala nati’y magkatulad.  Basta’t magkasama tayo tingin ko wala na’kong mahihiling pa.  Sabihin mang corny, baduy, o jologs, ngayon at kailanman ikaw lang ang gusto kong ibigin pa.
Selos?  Hindi mo ‘yan kailangan.  Wala kang aalalahanin sa puso kong marubdob at tapat kung magmahal, kailanman hindi matutuyo ang damdamin.  Alukin man ng yaman, o ng ibang pagmamahal?  Ayokong bibig ko’y maiusal ang “sayang na sayang” dahilan ang isang tulad mo’y pinakawalan.  Di bale na lang sa lahat ng bagay na materyal, ikaw pa rin ang aking mahal.
 

 

Kung mga isip nati’y magkakaisa, at sa buhay ko’y ikaw na ang makakasama, tayuan ka man tumayo ka man sa harap ko ng bagong gising, pangako hindi ko tatawanan ang nakatirik mong buhok, ang panis mong laway na nanuyo na sa ‘yong baba, ni hindi mandidiri sa mabaho mong hininga kahit pa ang pantulog mo’y “bacon” na sa pagkaluma.  Bakit?  Mahal kita eh.  Sabihin mang masagwa ang pagmamahala’y ipakita sa madla, kundi man sa puso kong ito, aanhin pa ang buhay ko kung hindi naman ikaw ang kasama?  Kahit maputi na ang buhok ko, ang pag-ibig kong ito’y di nakakikilala ng edad, estado, o ng pinagmulan.  Bastat mahal kita, wala ng iba pang dahilan.
Ni hindi masasayang ang ating sinumpaan sa harap man nila o ng Maykapal, pagkat habang may hininga, mamahalin pa rin kita.

Pakiusap lamang ay isa…

 

“..sa buhay ko sana’y dumating ka na…”

 

***

Entry para sa pakontes ni Kuya Jkulisap.