Nicknames, Jaguars, and Rara

Follow my blog with Bloglovin

Medyo masaya ako ngayon.  Halata ba? Haha.  Magbabakasyon na ang kaopismeyt kong buntis sa December 4.  Yehey! Mamimiss ko siya ng sobra.  Oo, talaga, pramis.  Pano ba naman, wala na kaming tagabili ng fud sa pantry at kakainin sa pwesto afterwards, wala ng nagbebenta ng authentic Victoria Secret fragrances, wala na kong aasarin (asar-talo kasi si buntis), at wala na kong pipiktyuran ng tulog.  Haha.

psst. gising, baka tumama ung baba mo sa cpu ko.

Alam kong dapat malungkot pero wala eh, mas naaalala ko yung mga happy moments namin with Rara.  Baket ‘Rara’?  Medyo mahabang salaysayin pero sige, kukwento ko.  Isang hapon, sa buwan ng Agosto, nakikinig  ang mga bored na magkaka opisina ng Talk to Papa ng 97.1 LS FM na counterpart nila Nicole Hiyala at Chris Tsuper sa Love Radio sa umaga. (Ooops, bago ka mag react, makinig ka muna kina Papa Kiko at Papa Bear na mga dj ng program na yun ng, tulad ko, malaman mong masayang tawanan ang mga pagka jologs naten sa buhay.  Ilan jan ang, pagmamahal ng walang kapalit, pagtityaga sa kabila ng pagsubok sa buhay, matalinong pagpapasya, at pang-aasar.)

So ayun, may tumawag na caller na isang jaguar na may bf na jaguar din.  Isang kaso ng infidelity ng mga mag asawa.  Nag play ang “RARA, oooh la la, roma, oooh la la..ga ga oooh la la..” Bad Romance ni lady gaga.  Dahil sa kaparehas na scenario, binansagan ni Ate Bevs si buntis na Rara.  At maluwag niya yung tinanggap. Weh? Pero hindi pa rin un ang kwento kung baket ako masaya.  Ang talagang masaya ay yung pag-iisip namen ng name sa soon to be baby girl niya.  Napili niya ay, ‘Herschel’.  Pero dahil kilala kaming dautera, nabahuan kami.  Hindi daw bagay sa image ng nanay.  Hihihi.  Kaya kami ang nag-isip.  Pero ang totoo, yung kasamahan naming probi, itago natin sa pangalang, Rommel Alejo ang mostly nag-isip ng mga pangalan at mga respective nicknames nito.  Kung karespe-respeto talagang mga pangalan ‘to:

Pina copyright ko na baka kasi may loka-loka / loko-lokong kumuha ng names na ‘to, buti nang kumita bago gamitin.  Bwahaha. :P  Dahil mga totoo at hindi kami kunsintidor na mga kaibigan, ang ending, kinuha kaming ninang ni Rara.  Ako, si Mamita, Chabe (chubby), Juliet, ate Bevs, Madam, at Sir Drei ang principal sponsors.  Kung ang aanakin mo sa binyag ay may nickname na gaya ng sa taas, magni-ninang / ninong ka pa ba? :) Or baka may matino kang suggestion? Mawawala ako ulet, buh bye! J

Originally posted on Sebastian Castro:

No doubt about it, Anne Curtis’ is on fire. Just last month, Anne had the privilege of donning Francis Libiran pieces for America’s Next Top Model. America’s Next Top Model, otherwise known as one of the most broadcasted fashion/modeling TV series in existence with a presence in not only the US but in over 170 countries/regions.

In Francis’ own words, “I picked Anne for this photo shoot; because for me, she represents the perfect Filipina.” Amen.

Before we talk more of Anne in Hollywood, let’s pay a little Anne and Francis tribute. After all, they’ve both already made a Hollywood splash. A quick walk down memory lane:

Hollywood Film for Anne?

Now, it looks like Anne is on to more in the international arena, like say a “full-length role” in a Hollywood film. At least, that’s what Ogie Diaz had to say on Twitter. The exact conversation:

View original 342 more words

Pinoy henyo ka ba? Pwede! Submit your brilliant idea to

What will you do if the end is near?

Isang pamamaalam at bagong simula.

Hindi ko na mabilang kung ilang buwan o taon na ang blog kong ito. May mga oras na gusto ko ng sumuko sa buhay, magwala, umiyak, pero heto ang blog ko. Naging kanlungan ng mga bagay na hindi ko masabi sa mga kaibigan, kapamilya, o kapuso. Ang tanging nahihingahan ko ng sama ng loob, ang nakakausap ko sa ligaya, at kakampi ko sa lahat ng mga tao o sitwasyong nagpapabagsak o nakapanghihina sa mura kong katawan. At kung magbabak read ka, ang mga nauna kong ingles na naipost ay hango sa aking buhay. Huwel, hindi lahat. Ikaw ng mag judge. Leche.

Pasensya na, hindi ko tlga kayang magseryoso. Hindi ito EMO post. Isa itong pamamaalam sa dating himlayan ng aking BUOng pagkatao. Maraming salamat sa lahat. At sa aking mga ka-blog, may isang pagmamakaawa akong hihilingin. Eksaktong 20days na lang kasi bumebertdey ko na. At ang mabait na si kaibigang RM ay nagbigay ng isa sa aking mga wishlist. Datkom. Dadami na naman ang mga basurang babasahin sa intarnets. Ang saya no? Tae mo. Heniwey, mabalik tayo sa wish ko, un na nga, bumeberdey ko na sa Dec. 29 (ayoko talaga tong ipagkalat eh) at gusto ko sana humingi ng tribute greetings, photo or letter, header para sa aking bagong blog, or avatar. Paki send po sa aking email, spagetisowsATyahoo.com or spagetisowsATgmail.com

Mababait kayo at lahat ng mga wishes niyo ipapagpray ko rin kay Jetut. How’s that?

Salamat in advance! Happy holidays! Mwahugs!

Maraming salamat!

Wish Upon a Mega

DISCLAIMER:

THIS POST HAS NOTHING TO DO WITH THE NOW-DEFUNCT TV SHOW BY MS. SHARON CUNETA, PLS. BEAR WITH THE AUTHOR.

(Ang posteng ito ay walang kinalaman sa natapos ng palabas de telebisyon ni Bb. Sharon y Cuneta. Maaaring OSO ang nagsulat.. :P )

.

Wala lang.  Naalala ko lang ang mala-Oprah na portion ni Tita Shawie Sharon Cuneta kung saan binibigyang katuparan ng mga mayayamang ito ang mga hiling o simpleng hiling naming mga maralitang tagalungsod.

So, that’s way back, back…  Ayoko.  Ayokong mag google para isearch kung kelan sila na defunct.  Basta masaya.  November na eh.  Ibig sabihin ilang araw na lang din December na.  At four days after christmas, bumeberdey ko na.  Hindi ako nagpaparinig.  At tama, lately ko lang napansin, November na pala talaga, kung kelang patapos na.  Usually kasi sa mga ganitong panahon, nagagamit ko na’ng mga dyaket, balabal, or raincoat (talaga) ko.  But this days, napakainit.  Hindi ko alam kung nasanay lang ako sa aircon pero kada lalabas ako ng opis, tagaktak ang pawis ko.  Baka kailangan ko lang talagang magpapayat.  Haha.  Minsan naman sa pantry, kakaen na lang kami ang mga damuho kong opismeyt lalong-lalo na si Chabe eh mga hindi makausap kaka facebook sa selfon.  O.P. much.  Mga updated sila sa latest chismis.  Hindi naman sa gusto kong makialam sa buhay-buhay sa fb.  Jologs na lang talaga ang selepono ko na kahit ganto eh proud akong sabihin na ako bumili neto.  *bitter laugh* :P

Pag weekends naman, naiisip kong mag internet pero minsan walang pang-load.  Taena.  Pag nagtitipid kami sa kuryente, naiisip kong ipursue ang aking piano and guitar lessons na kinatamaran ko na rin.  Pag naglalaro naman kami ng mga pamangkin ko, naiisip ko na masaya siguro kung bukod sa pagyakap nila saken eh may playhouse din sila.  And lastly, dahil sa dyabet (diabetes) ni mudra ay kailangan niyang mag lose weight.  Nagsalita ako.  Sige, ako na.  Ako na’ng payat. TSE.

At dahil sa mga naisip kong kalokohang ‘to, meron na akong Christmas at Birthday wishlist rolled in to one several things:
1. Threadmill para sa’ming dalawa na ni mudra.  Pero ang susunod na hiling ko after matupad ito, ay mas malaking bahay.

2. Seleponong touch screen.  Sosyal siyang tingnan. Mga Nokia 5800 ExpressMusic, Corby w/ wifi, LG Cookie or Samsung S5230W Star WiFi ang datingan ng trip ko.

3. Laptop.  Kahit Acer lang pero panalo ang specs ng Apple MacBook Air MC503LL/A 13.3-Inch Laptop.  Hihi.

4. Meron na kong piano, so, guitar na white na lang, inggitera kasi ako eh.  Haha.  Isa kasi ang puti sa peborit kong kulay.  Bagay na bagay sa wholesome image ko.

5. Isang playhouse para sa aking huggable pamangkins.

6. Dotkom.  I mean, website.  Ano bang isusulat ko?  Hindi ko rin alam.  Saka ko na iisipin yan.  Basta ang alam ko, may pera talaga sa pagba blog. Natupad na.  Saka  ko na ipopromote pag may disente nakong ipopost. Hihi.

7.  Lastly, pera para pantupad ng lahat ng nasa taas.

(The rest of my wish eh nasa amazon page ko.  Bahala kayo jan.)
Napapanahon ang pakulong ito ni Salbehe at Vajarl, maraming salamat, kahit ang daming entries.  Pamigay niyo na lang kasi. TSE.

Happy holidays, guys! :)

Lamang ang may good memory

Dapat OT ako ngaun eh.  Naka settle na lahat – ung files na gagawin ko, ung compiler na pang check, inappend ko na rin para isang mabilisang gawa lang siya.  Ok sige, hindi niyo ko magets.  Payn.  Yung memeryendahin ko ok na lalo syempre hinanda ko na ang sarili ko para sa makabagbag-damdaming pare research ng anik-anik.  Nagboboses ala Chuchay pa ‘ko to entertain my fans friends and spare time cuz naka quota na rin ako. Lunch time.  Biglang nakaramdam ako ng saging craving (mairhyme lang).  Dukot ako sa bulsa.  Wala.  Tingin sa bag, wala.  Sa paperbag? ala rin.  5 seconds before break.  Tang-u muna nga.  Tae naman. Bagong buhay na nga ako eto na naman! Four, three, two, one!! Riiiiiing!.  Pray. “Salamat po sa pagkain, Amen!” Ang sarap ng ulam! sarsiadong isda, gulayNAdiKOalamKUNGanoPEROmasarap, sabaw A.K.A. soup. and banana. (Sige itry mong aking banana, pag natikman niyo to di magsasawa! -sing with me!!)  Balik ako sa upuan.  Hinanap ang wallet thouroughly.  WALAAAAA!!  Nireport ko na ang pangyayari.  Ginusto ko ring ipahalungkay ang bag ng mga damuhong taga ibang department para lang bakasakaling makita pero, wala, wala, walaaaa! Wala daw silang magagawa.  Masisira daw at maaapektuhan ang production.  Pauwe na ah, production your face.  Hindi biro lang.  Sige na.  Napa block ko na rin naman ang ATM at nagpagawa ng bagong health card.  So ano pa…Hay.  So moral lesson: (insert the product title here)

Ang lungkot siguro niya ngayong nasa kamay siya ng isang mapagsamantalang tao na minalas na makakuha ng P200 sa wallet ng maralitang tulad ko. TSK! Pero utang na loob, ibalik mo ang wallet at cards koooo!!

 

 

 

PAHABOL:

Natuwa ako sa site na shinare ni Ax kaya makikigaya ako.  Kung gusto niyo kong sulatan, tanungin, or whatever, send them here and address your letter to Sows or Spagetisows.  Sige lang palubagin niyong loob ko.. ;)

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.